Friday, October 8, 2010

PAGMAMAHAL NI LOLA 2

Hi again. I’m so, so sorry if it took too long para maikwento ko sa inyo ang Part 2 ng Pagmamahal ni Lola series. Well anyway, heto na siya.

It has since been 18 years already na nang naganap ang Part 1, and now, my Lola Impluwensiya and my ex-boyfriend Cylinder had their son na, si Prism (God, my uncle, and yet geometrical pa rin ang name!). 18 na ang kanyang edad at, tulad ng kanyang ama, lumaki itong matipuno, matangkad, at higit sa lahat, gwapo. Wala talagang detalye na hindi magkapareho sa kanilang mag-ama… parang clone talaga (yun nga lang halatang nagkakaedad na ang daddy niya), at sa maniwala man kayo o sa hindi, wala talaga siyang pinagmanahan dun sa tanda, ni kuko o hibla ng buhok man lang (Haha, buti nga kung ganon!)

This uncle of mine also grew up to be, well, a campus crush, a matinee idol… at, hindi tulad sa kanyang ama, naging  lead singer siya sa kanilang school band. Dahil dito, nasungkit niya ang kanyang long-time admirer na si Britney, isa ring campus crush. Mahal na mahal talaga nila ang isa’t isa, at bukod pa dun, boto rin ang kanilang parents sa pag-iibigan nilang dalawa.

Isang araw noon at nagkaroon ng meeting sa school nina Prism, kaya’t wala silang pasok. Kasama sina Britney, Ryan at Conrad, umuwi ito sa kanilang bahay sa dahilang gagawa sila ng project. Nang makarating na siya sa kanilang bahay, eh nadatnan niya ang kanyang daddy na nakaupo lang sa sala at halatang hindi pa nakapagbihis ng maayos. Nahalata rin niya na wala ang kanyang mommy (si Lola!)

“Pa, san ba si mommy?” tanong nito ky Cy.
“Doon sa parlor nagpapaganda para sa meeting. Pinagsabihan ko na nga na huwag nang magpapalate eh hindi ko talaga napigilan, kaya ayun.” sagot nito.

Hindi na nagtanong pa si Prism sapagkat alam rin naman niya na likas na feeling young talaga ang mommy niya. Nagbihis muna siya ng damit at nagsimula nang gumawa ng project kasama ang kanyang mga kaklase, pati si Britney.

Eto na nga’t natapos nang magpa-parlor si Lola… and mind you, mas lalo siyang bumata! She’s never meant to disappoint everyone. With her hair teased into big caramel-colored curls, she was also wearing yellow skinny pants, leopard-print blouse, at metallic strap heels (God, natalbugan ata ako! Hmp …). She stepped out of the salon na nga and pumunta na sa meeting. Hindi man lang siya nahiya nang malaman niyang late na pala siya sa meeting. Buti na lang at pinagreserve pa siya ng isang upuan ng kanyang close friend na si Magnolia, at dun na nga umupo katabi niya.  

Habang nakikipagkwentuhan kay Magnolia, nahagip ng kanyang paningin ang teacher ni Prism na si Mr. Circumference – Harold Circumference (hahaha….adik sa math!). Matangkad, medyo Moreno, brusko ang katawan, may mga mapupungay na mata at halatang bata pa – iyon ang mga katangiang nakapagpaakit kay Lola, na sa mga oras na iyon ay hindi na mapakali sa kanyang kinauupuan… parang kinakagat ng mga langgam.

Nang natapos na ang meeting, may itinanong si Mr. Circumference sa mga parents na nandoon (as far as my knowledge is concerned, about ata yun sa mga grades ng students). Kahit wala naman talaga siyang relevant na sasabihin, nag-raise ng kanyang kamay si Lola, sabay sabing

“Uhm, Sir, can I get your number?”

Dahil dun, nakatingin ang lahat ng mga parents sa kanya, subalit hindi rin agad nag-atubili si Mr. Circumference at agad na ibinigay ang number nito kay Lola. Humagikgik sa tuwa si Lola na halatang kinilig sa nangyari, at dahil dito, napagsabihan siya ni Magnolia,

“Hoy mare, ano ka ba? Mahiya ka naman, ang tanda-tanda mo na tapos lumalandi ka pa sa iba!”

Pagkarinig na pagkarinig ni Lola sa mga salitang iyon, sumabog siya sa galit at, gamit ang meter stick na naroon sa ilalim ng kanyang inupuan, hinambalos niya ng napakalakas ang kaibigang si Magnolia (Sa sobrang lakas ng pagkapalo ay halos naputol na ang meter stick) Hindi naman nagpatalo si Magnolia at sinabunutan niya si Lola. Nagkagulo talaga ang classroom. Parang isang boxing match ang naganap na iskandalo. Nagsitinginan din ang mga parents na nandoon sa kabilang room at sa lobby ng campus, dahilan upang mapuno kaagad ang classroom ng mga manonood. Matagal din silang napaghiwalay ni Mr. Circumference na noon ay labis ng napahiya at nahirapan sa pagpapakalma sa dalawang nag-away.

“Tumigil na nga kayo! Sino ba ang nagpasimuno nito?!”

Agad naming itinuro ni Magnolia (na sa time na yun ay halos wasak na ang mukha) si Lola. Kunot-noong napatingin si Mr. Circumference kay Lola, dahilan upang mag-walk-out ito na umiiyak. Siguro dahil sa konsensyang kanyang naramdaman, sinundan niya ang Lola, sabay sabing,

“Sorry po talaga, Lola. Nabigla lang ho ako…”

Imbes na matuwa ay ikinagalit pa ito ng Lola sabay sigaw ng,

 “Hindi mo ako love! At isa pa, huwag mo akong matatawag na Lola!”

Umuwing luhaan at malungkot si Lola, at agad naman itong ikinagulat ni Cylinder na nung time na yun ay nakahiga sa kama at nagbabasa na magazine. Nang tanungin niya ito kung ano ang problema, hindi ito umimik at nagpatuloy lang sa pagbihis ng damit. Si Prism naman ay nagmamadali nang umalis patungong JACK’S BAR kasama ang mga kaklase at ang girlfriend na si Britney. Naiwan sa bahay sina Cylinder at Lola.

Nang matapos nang magbihis ang Lola, agad naman itong tinanong ni Cylinder ang dahilan ng kanyang pag-iyak kanina galling sa meeting. Hindi na nakapagpigil pa ang lola at agad itong nagsabi na inaway raw siya ni Mr. Circumference (langya, siya rin naman yung nagpasimuno!) . Sa buong pag-aakalang totoo ang sinabi ng kanyang pinakamamahal na asawa (eew!), labis na nagalit si Cylinder at agad na lumabas ng kwarto at pinaandar ang sasakyan. Susugurin na sana niya si Mr. Circumference nang bigla na namang umiyak ang lola. Dahil dito, hindi na niya itinuloy pa ang panunugod sa teacher ni Prism. Pinatahan niya si lola at pagkatapos nun, alam niyo na kung ano ang naganap……..

Sa kabilang dako naman, lasing na lasing na si Prism sa bar, habang ang kanyang mga kaklase naman ay sobrang nag-eenjoy kasama ang mga newly-found friends nila dun. Happy hour na nung time nay un, at while nakaupo sa isang sulok, nakita niya na may nambabastos sa girlfriend niyang sa Britney. Halatang uncomfortable na Britney with the boys around her kaya naman pinuntahan na ni Prism ang mga ito at isa-isang pinagbubugbog hanggang sa nagkagulo na nga ang buong club. Matagal din bago nahinto ang kaguluhang iyon.

Gabi na nang makauwi si Prism sa kanilang bahay. Inihatid ito ni Ryan at Conrad habang si Britney naman ay nauna nang umuwi sa kanila. Labis talaga na nag-alala si Lola at Cy nung time nay un, at gaya ng inaasahan, pangangaral ang sa kanilang anak ay ibinulalas…

Kinabukasan, isang party ang ginanap sa bahay nina Prism. Naroon ang mga classmates niya na sina Ryan, Conrad, at ang crush ni Lola (what?!?!) na si Marco. Magkasing-edad lang sila ni Prism ngunit mas matangkad ito ngunit medyo payat. May lahing Intsik si Marco dahilan upang magkaroon siya ng medyo singkit na mga mata, maputi at makinis na balat at mapupulang labi. Nandoon din pala (shocks, muntikan kong makalimutan!) sina Britney, Natasha (ang crush ni Conrad na palaging na-de-dean’s lister sa campus) at si Jade (ang crush ni Ryan na member ng dance company sa kanilang college)

Masaya talaga sila nung time na yun. Kwentuhan, asaran, inuman, kulitan, harutan. Maya-maya pa’y bumili ng beer si Cylinder, at, together with the boys, nag-inuman sila sa sala at nagtawanan sa kanilang mga pinag-uusapang kalokohan. Ang mga girls naman ay namalagi doon sa dining room at nagkwentuhan.

Sa kasagsagan ng party, ang mga boys ay sobrang nalasing na at nakatihaya lang sa carpet ng sala habang ang mga girls naman ay nanood ng movie. Nauna nang natulog si Cylinder dahil sa inaantok na ito, kaya naman natuwa ang lola dahil sa may binabalak itong masama kay Marco… (haayyyy…si lola talaga!)

At ayun na nga. Dahil na din sa epekto ng beer (nakakaiihi), at sa sobrang pagkalasing, nagmadaling pumunta sa banyo si Marco para umihi. Sakto namang paglabas niya nang makita niya si Lola na nakaharang sa daanan, nakatapis lang ng tuwalya. Talagang nagulat si Marco sa nasaksihan, sabay sabing,

“Uhm, lola, padaan po. Tapos na ho kasi akong mag-CR”

Sumagot naman ang lola,

“Don’t call me lola. Just call me Imple” (ano raw?!?!)

Pagkatapos ay nadarang na nga si Marco sa pang-aakit ni Lola. Napasunod siya nito sa kwarto at dun na nga sila naghasik ng lagim (eew!). Pinagbuti talaga ni lola ang pagpapaligaya sa kanyang crush na si Marco, na nasasarapan din naman sa ginagawang kalaswaan sa kanya.

Back there in the living room, asaran at kulitan naman ang maririnig mula kay Britney at Prism. Ibinuking kasi nila na may crush ang mga classmates nila sa isa’t-isa. Tawanan at hiyawan ang sumunod na bumulalas mula sa kanila. Sina Ryan at Conrad, Natasha at Jade – sino nga naman ang mag-aakala na may gusto pala sila sa isa’t-isa? That’s how things happened. Nagmukha silang hindi lasing nung time na yun when they confessed their feelings for each other. Labis namang natuwa ang magkasintahang Britney at Prism dahil sa wakas alam na ng kanilang mga classmate ang feelings nila towards each other. It ended up being the happiest moment of their lives since they decided to be each other’s lovers (so sweet!)

Hindi nila namalayan, at dahil na rin siguro sa sobrang pagod ay nakatulog sila sa sala.

Mag-uumaga na nang biglang nagising si Marco. Nang maalimpungatan siya ay dun pa lang niya nalaman na nakipagtalik pala siya kay Lola (buti nga!) Labis ang kanyang pagkadismaya at agad na nagbihis at nagmadali nang umuwi. Ang lola naman ay panay ang kakasigaw… nagmamakaawa.

Ilang araw na rin ang nakalipas at naging masaya ang pagsasama nina Lola at ni Cylinder, Prism at Britney, Natasha at Conrad, at nina Ryan at Jade. Lagi silang magkasama at talagang hindi na mapaghihiwalay ang pag-ibig na namamagitan sa kanila. Hanggang isang araw…

“Hon, bukas na ang alis ko patungong Dubai. Isang linggo lang naman ako dun eh… may pupuntahan lang akong importante. This is about dad’s business. Don’t worry, hindi ako magtatagal.”

Yun ang nasambit ni Cylinder kay lola, na labis-labis naman ang pag-iyak sa dahilang mawawala ang kanyang pinakamamahal na mister sa isang linggo. Hindi na ito nakapagsalita pa nang kalauna’y mariin siyang hinalikan ni Cy sa labi. Doon nga ay umapaw na naman ang kanilang pagmamahalan… isang mainit na tagpo sa kanilang buhay na tanging sila lamang ang nakakaalam. Ang init, ang sarap na nararamdaman nilang dalawa… mistulang mga batang naglalaro ng apoy… (grabe!)

Well anyway, kinabukasan nga ay umalis na tungong Dubai si Cy. Labis na nalungkot si lola. Naiwan siyang mag-isa sa bahay habang si Prism naman ay laging busy sa kanyang band sa school. Sa tuwing nag-iisa ay napapaisip si lola sa mga nangyari sa kanila ni Cy, at unti-unti, napapalitan ng ngiti ang lungkot na sa kanyang muhkha ay naroo’t nakaguhit (napakadrama naman!)

Isang araw noon… 2 araw bago ang pagbabalik ni Cy galing Dubai, may sa kung anong mesademonyong naisip si lola. Balak niyang angkinin si Mr. Circumference na noon ay nasa kanilang bahay at namamahinga. Tinawagan niya ito at sinabing hihingi raw siya ng tawad sa iskandalong nagawa nila ni Magnolia dun sa meeting isang buwan na ang nakalipas (napaka-obvious na nga na iba ang pakay eh!). Hindi na nakapagsalita pa ang guro sapagkat binagsakan na ito ng lola.

Ilang oras lang at narating na nga ni lola ang bahay nina Mr. Circumference. Agad itong kumatok sa gate at nung pinagbuksan na siya ng guro ay agad itong nagkunwaring nahimatay (ayan ka na naman lola!). Ikinataranta ito ng guro na agad namang binuhat ang lola at pinahiga sa kanilang sofa.

Ilang minuto ang nakalipas at nagising na nga ang lola (All hail the best actress…palakpakan!!). nagkunwari itong nahilo daw sa init ng panahon, at nang tanungin siya ni Mr. Circumference tungkol sa kanyang kalagayan, hindi ito sumagot; bagkus ay hinalikan niya ito ng mariin sa labi. Hindi naman nadarang ang guro. Katunayan nga ay nagalit pa ito sa lola, sabay sabing,

“Umalis ka dito! Walang hiya ka! Malandi ka! Layas! Hindi ko alam kung anong demonyo ang nasa kaloob-looban mo but please, lubayan niyo na po ako, pwede ba?! May asawa’t anak na ako!! ”

Dahil sa mga narinig, at sa labis na pagkahiya… ay patakbong lumabas si lola at sumakay ng isang taxi pauwi, umiiyak. Saktong pagdating niya nang naabutan siya ni Cy, na napaaga ang uwi galing Dubai, at ni Prism na kakauwi pa lamang galing school.  Natigilan ito at nagulat sa pagkakita kay Cy. Tumakbo ito papasok sa loob ng kanilang kwarto. Di niya namalayan na sinundan pala siya ni Cy.

“Hon, anong problema? Wag ka nang malungkot… andito na ako” sabay yakap kay lola na lalong lumakas ang pag-iyak. Di na nakapagtigil ang lola at inamin niya lahat kay Cy ang kanyang mga nagawang kasalanan- ang pakikipagtalik niya kay Marco at ang balak niya kay Mr. Circumference. Gustuhin mang magalit ni Cy, hindi niya nagawa dahil naintindihan niya ang lola at mahal na mahal niya ito (ganun? Naku naman, ibang klase talaga si Cy!)
Pagkatapos nun, naging masaya ang kanilang pamumuhay… ngunit sa hindi malamang dahilan, bumalik na naman ang kalandian ni lola….

ABANGAN SA PART 3 ANG FINALE!!!

No comments:

Post a Comment